Umaapela ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga mamamayan ng Metro Manila na panatilihin natin ang kalinisan at kaayusan sa ating kapaligiran sa gitna ng kasiyahan.

Sinabi pa ng MMDA na ang Kapaskuhan ang isa sa mga panahon na nagdudulot ng pinakamaraming basura sa Metro Manila dahil sa nakagawiang Christmas parties na may mga palaro, exchange gifts, at salo-salo.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Idinagdag pa ng ahensya na nariyan ang mga balot ng regalo, kahon, tirang pagkain, at iba pang basura.

Gayunman, ayon sa MMDA maaaring bawasan ang mga basura ngayong holiday season sa pamamagitan ng pag-recycle at pag-reuse ng mga materyales na ating ginamit.

Mainam din ang paggamit ng eco-friendly na materyales para hindi na makadagdag sa nakokolektang basura sa Metro Manila.

Bella Gamotea