Inaprubahan ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang P2.5 billion 2022 budget proposal para sa Special Education Fund (SEF) ng lungsod noong Huwebes, Disyembre 16.
Gagamitin ang SEF para i-rehabilitate ang mga paaralan at madagdagan ang mga beneficiary programs para sa mga estudyante at guro sa Maynila.
Ang proposed budget na P2,556,546.10 para sa SEF ay inaprubahan ni Domagoso sa pulong kasama ang Local School Board, Division of City Schools (DCS) Superintendent Doctor Magdalena Lim, at iba pang DCS officials.
Sa ilalim ng P2.5 bilyong SEF budget, ang Ramon Magsaysay High School (HS) sa Sampaloc, na pinaniniwalaang may pinakamalaking populasyon ng mga mag-aaral sa Maynila, ay gagawing 10-storey high building na mayroong 232 na silid-aralan.
Popondohan din ng SEF ang pagpapagawa sa iba pang 12 paaralan sa lungsod kabilang ang Amado V. Hernandez Elementary School (ES) sa Tondo; Barrio Obrero ES in Maypajo; J.P. Laurel HS sa Tondo; Melchora Aquino ES sa Tondo; Pedro Guevarra ES sa San Nicolas; Antonio Regidor ES sa Santa Cruz; Cecilio Apostol ES sa Santa Cruz; Cayetano Arellano HS sa Santa Cruz; Valeriano Fugoso ES sa Sampaloc; Aurora Quezon ES sa Malate, Manuel Roxas HS sa Paco; at General Emilio Aguinaldo HS sa Santa Ana.