Pinasalamatan ng Malacañang ang Kamara at ang Senado dahil sa mabilis na pagpapatibay o ratipikasyon ng 2022 national budget na nagkakahalaga ng ₱5.024 trilyon.

Paliwanag ni acting Presidential spokesman Karlo Nograles,mahalaga ang maagang pagpasa ng pambansang badyet sapagkat kailangan ito sa implementasyon ng mga proyekto, programa, serbisyo at gawain ng gobyerno para sa economic recovery ng bansa na labis napininsalang Covid-19 pandemic.“The Palace thanks Congress for working overtime to expeditiously ratify the proposed 2022 national budget. We consider next year’s budget vital to support our country’s COVID-19 resilience initiatives and to sustain our socioeconomic recovery efforts,” pahayag ni Nograles.

"We reiterate our commitment to utilize our people’s hard-earned money to properly implement programs, projects, and services effectively and efficiently during the remainder of the President’s term of office," ayon pa sa opisyal.

Matatandaang niratipika ng Kamara at Senado ang nabanggit na panukalang budget para sa 2022 nitong Miyerkules at agad ipadadala sa Malacañang upang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

Bert de Guzman