Niyanig ng 5.0-magnitude na lindol ang Sorsogon nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 17.

Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 10:28 ng gabi nang maramdaman ang paglindol.

Natukoy ang epicenter nito sa layong walong kilometro timog kanluran ng Donsol, Sorsogon at lumikha ng 16 kilometrong lalim.

Naitala naman ang Intensity 3 o mahinang pagyanig sa Legazpi City, Albay.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Sa Iriga City at Pili sa Camarines Sur at Mulanay sa Quezon, naitala naman ang Intensity 2.

Paliwanag ng Phivolcs, ang nasabing pagyanig ay katuladlamang ng nararamdamang pagdaan ng isang truck at ramdamito kapag nasa loob ng bahay.

Babala pa ng ahensya, asahan ang mga aftershocks nito.

Ellalyn De Vera-Ruiz