Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na gawing prayoridad ang kalusugan sa kabila ng kasiyahan at tiyaking ligtas ang bawat isa.

Ang paalalang ito ng MMDA ay bunsod ng inaasahang kaliwa't kanang mga kasiyahan o Christmas party ngayong
Disyembre lalo na't pinapayagan sa ilalim ng Alert Level 2 ang Metro Manila basta nasusunod ang health at safety protocols.
"Sa mga parties, gatherings, at get-togethers ngayong Kapaskuhan, piliing maging COVID-19 safe!," ayon sa MMDA.
Kabilang sa paalala ng ahensya sa publiko na huwag kalimutan ang mga basic health protocols gaya ng pag-obserba sa social distancing at pagsusuot ng face mask.
"Okay lang ang magsaya pero mas masaya kung sa COVID-19 ay ligtas ka," dugtong pa ng MMDA.
Bella Gamotea