Diretsahang ibinahagi ng Grammy-winning singer-songwriter na si Billie Eillish ang kanyang karanasan sa panunuod ng porn sa murang edad.
"As a woman, I think porn is a disgrace. I used to watch a lot of porn, to be honest. I started watching porn when I was, like, 11. I think it really destroyed my brain and I feel incredibly devastated that I was exposed to so much porn,” sabi ni Eillish sa radio program na “The Howard Stern Show" kamakailan.
Sa kanyang kantang “Male Fantasy” para sa kanyang ikalawang studio album na “Happier Than Ever” mababanggit sa kanya ang punto de vista ng isang babae na nanunuod ng porn habang inaalala ang isang masakit na relasyon.
“I’m so angry that porn is so loved, and I'm so angry at myself for thinking it was okay,” ani Eillish.
Tell-all din ang “Bad Guy” singer kung paano nakaapekto ang maaga niyang pagkamulat sa porn sa kanyang sex life.
"The first few times I, you know, had sex, I was not saying no to things that were not good. It was because I thought that’s what I was supposed to be attracted to,” pagbubunyag niya.
Kilala si Eillish sa kanyang mahiwa at malalim na mga liriko sa kanyang mga kanta.
Sa edad na 18, si Eillish ang pinakabatang nakapag-uwi ng apat na major Grammy Awards noong 2020 kabilang na ang “Song of the Year,” “Record of the Year,” “Album of the Year,” at “New Artist" para sa kanyang certified platinum album na "When We All Fall Asleep, Where Do We Go?"