Pagpatak ng hatinggabi ng Biyernes Dis, 17, isang pinakabagong kanta ang inilabas ng sikat na neo-R&B, soul singer na si Arthur Nery.

Matapos ang tagumpay ng kantang “Pagsamo” na bumasag lang naman sa ilang streaming records at music charts sa Pilipinas, alay ngayon ni Arthur ang pinakabagong kantang “Isa Lang” sa kanyang milyon-milyong takapakinig.

Sa timbre ng kanyang boses, muli na namang pinabilib ni Arthur ang kanyang fans sa isa na namang neo-soul na atake sa original Pinoy music (OPM).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isa lang - Arthur Nery (Official Lyric Visualizer)

Sa song credit, ang Cagayan native ang parehong nagsulat at composer ng kantang tumutukoy sa isang pag-ibig na nakalaan lang sa iisang tao.

Mainit naman tinanggap ng fans ang bagong kanta dahilan para ulanin ng pasasalamat at paghanga si Arthur sa pinakabago niyong obra na sigurado’y patok sa panlasa ng Pinoy listeners.

“Another outstanding masterpiece Arthur! Iba ka talaga, tunay nga isa ka lang,” sabi ng isang fan sa comment section ng official lyric visualizer ng kanta sa YouTube.

“The Guitar solo is on fire, pasok na pasok kada note. The feel, The dynamics. Ibang klase! Mapa-boses & Instruments used. Solid na Solid. Well deserved to be known Arthur!” detalyadong paglalarawan ng isa pang tagapakinih ni Arthur.

“I was there when Arthur was only doing covers and I'm still here until now and 'till the very end! Always proud of you, Arthuuuuur. You and your songs just always give me warm and comfort,” pagbabalik-tanaw naman ng isang avid Arthur fan mula unang makita si Arthur sa social media.

Samantala, umabot na sa higit 77 million streams ang kantang Pagsamo sa Youtube at Spotify higit dalawang buwan matapos ito irelease.