Agad na nagtalaga ng kanilang mga yunit upang magsagawa ng search and rescue (SAR) at mga relief transport mission ang Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Biyernes, Dis. 17, isang araw matapos ang unang pananalasa ng bagyong “Odette” sa Visayas at Mindanao.

Sinabi ni Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng AFP, na itinatag ng military ang malapit na koordinasyon na National Disaster Rick Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa kanilang disaster-response mission.

“These include emergency preemptive evacuations, search and rescue, clearing, and transport assistance for the delivery of relief goods,” ani Zagala.

Bilang nangungunang ahensya ng Search, Rescue, and Retrieval Cluster ng NDRRMC, sinabi ni Zagala na pinakilos ng AFP ang mga yunit ng SRR mula sa lahat ng regional command hanggang sa antas ng batalyon upang maabot ang pinakamalawak na saklaw ng operasyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naka-on call na rin ang air at naval asset mula sa Philippine Air Force at Philippine Navy para sa deployment upang suportahan ang lokal at pambansang disaster risk reduction managemenrt coun cils at iba pang response clusters.

Samanatala, naka-standby naman ang iba pang yunit na wala sa dinaanan ng bagyo para magbigay ng suporta kung kinakailangan.

“In this trying time, we enjoin those who can help to extend assistance in any way they can to those who are badly affected by this typhoon. Help is on the way and the AFP along with other government agencies are working 24/7 to reach those who are in need,”ani Zagala.

Martin Zadongdong