Nailigtas na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang mangingisdang nauna nang naiulat na nawawala sa karagatang sakop ng Negros Occidental nitong Miyerkules ng hapon.

Sa pahayag ni Police Regional Office-6 (PRO6) director, Brig. Gen. Flynn Dongbo, nakilala ang dalawa na sina Jovel Tipon, 29, at Noel dela Cruz, 19, kapwa taga-Sitio Pasil, Brgy. Enclaro, Binalbagan ng nasabing lalawigan.

Naiulat na nawawala ang dalawa nang pumalaot ang mga ito sa kabila ng sama ng panahon nitong Martes ng umaga hanggang sa tuluyan na silang hindi nakauwi.

Paliwanag naman PCG, isasailalim muna nila sa medical check-up ang dalawa bago pauwiin.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Aaron Recuenco