Dapat pa ring paigtingin ang vaccination effort ng gobyerno sa gitna ng banta ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ang inihayag ni acting Presidential spokesperson Karlo Nograleskasabay ng pag-amin na hindi pa nila nararamdaman ang kumpiyansa para mas luwagan pa at isailalim kahit sa ilang lugar ng bansa ang alert level 1.
Kung titingnan aniya ang guidelines sa alert level 1 ay halos bukas na talaga ang lahat dangan lang at kailangan pa ring sumunod sa ipinaiiral na safety and health protocols.
Hindi pa rin aniya nila naisasapinal ang alituntuninsa ilalim ng alert level 1 bukod pa sa marami pang dapat na malaman sa Omicron variant na nakapasok na sa bansa.
Pinalawig pa rin ang pagpapatupad ng alert level 2 hanggang sa huling araw ng Disyembre ng taon.
Beth Camia