Nakikiusap ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid na huwag gamitin ang photo at identity ng kaniyang anak na si Nate sa pagbuo ng mga pekeng social media accounts, lalo na sa TikTok.

Naalarma na kasi ang Kapamilya singer sa mga naglalabasang social media accounts na nakapangalan kay Nate, at hindi komportable si Regine at mister na si Ogie Alcasid tungkol dito.

"Hi guys makikiusap sana ako na kung may makita kayong mga account sa pangalan ni Nate please help me report them. Actually marami ng accounts ang ginawa for Nate sa Facebook sa IG na walang pahintulut namin. Alam ko naman na basta na post na ang pictures eh kahit sino pwede na gamitin 'yun. Pero hindi ibig sabihin nun na ok lang sakin o sa asawa ko," ayon sa caption ni Regine.

Paul Salas, pag-uukulan ng maraming oras si Jesus ngayong 2025

Screengrab mula sa FB/Regine Velasquez

"Hindi ko na lang pinapansin yung ibang account kasi ang hirap din for us na hanapin pa lahat. You can post naman his pictures kasi nga like i said once ma post hindi na talaga mapipigilan. I guess hindi ako masyadong comfortable sa mga gumagawa ng accounts para sa kanya. Hindi naman sya artista kaya hindi ko talaga maatim itong mgs accounts na Ito."

Nais lamang daw ng Songbird na protektahan ang kanilang anak.

"Sorry but I'm just trying to protect my son. So please please if you guys don’t mind stop na. Itong Tiktok account na to ilang beses ko na ito inireport and I’m gonna keep reporting you or whoever na gagawa pa ng iba pang account para kay Nate. If you guys noticed I hardly post his pictures na kasi nga binigyan na namin siya ng privacy."

May be an image of 1 person and text that says '@booboobear_nate 33 Following Following 38 Followers 121 Likes Follow back Alcasid fam. Velasquez fam.'
Screengrab mula sa FB/Regine Velasquez

"Again nakikiusap ako na pag may makita kayong account ni Nate please report and don’t follow na. God Bless."