Pinangalanan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang Pinoy pop group na SB19 bilang bago nitong Youth and Sentro Rizal Ambassador.

Ang paggagawad sa SB19 ay pinangunahan nila NCCA Chairman Arsenio “Nick” J. Lizaso, OIC-Executive Director Marichu G. Tellano, and OIC-Deputy Executive Director Bernan Joseph R. Corpuz.

Ayon sa NCCA, itinalaga ang nasabing P-pop group hindi dahil sa lumalago nitong "fanbase" at impluensya kundi ang kagustuhan din ng grupo na tumulong sa mga adhikain ng komisyon.

Dagdag pa rito, ang pagpapahalaga ng SB19 sa musika at kultura ng bansa ay talagang makikita hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, na siya namang mandato ng komisyon.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

"SB19 has also been part of various activities initiated/supported by the NCCA, such as the annual celebration of the Philippines-Korea Cultural Exchange Festival; Padayon: The NCCA Hour; SR San Francisco’s Kalayaan 2021: A virtual celebration of the 123rd Philippine Independence Day and 75th anniversary of Philippine-US relations; SR Berne’s Fernweh Festival; and Sonik Philippines 2021."

Ang Sentro Rizal (SR) ay itinatag ng NCCA noong Hunyo 28, 2011, sabay sa ika-150 anibersaryo ng pambansang bayani na si Jose Rizal, na kaalinsunod sa Republic Act 10066 Section 42.

Samantala, ang grupong SB19 ay binubuo ng limang miyembro na sila Pablo, Josh, Justin, Ken at Stell. Kasalukuyang nasa ilalim sila ng ShowBT Philippines, at kauna-unahang naging bahagi ng Billboard Music bilang Top Social Artist in 2021 na nagmula sa Timog-Silangang Asya.