Umaapela si presidential aspirant Vice president Leni Robredo sa gobyerno na payagang ipagpatuloy ang operasyon ng pandemic response ng kanyang opisina sa panahon ng kampanya sa susunod na taon, lalo't nakapasok na ang Omicron variant sa bansa.

Sinabi ni Robredo sa isang press briefing nitong Huwebes, Dis. 16, na "naghahanda na sila ng petisyon" para humingi ng pag-apruba sa Commission on Elections (Comelec) na payagang ipagpatuloy ang kanilang ilang COVID-related programs sa gitna ng opisyal na panahon ng kampanya sa Pebrero 2022.

Ang tinutukoy ng bise presidente angVaccine Express, Swab Cab, at Bayanihan E-Konsulta, na karamihan ay pinapagana ng mga donasyon at volunteer mechanism.

Sinabi rin niya na wala silang problema sa mga volunteers ngunit ang tanging problema ay baka tumigil ito dahil sa kanyang presidential bid.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

“Yung nakikita lang namin na pinakaproblema namin ngayon, kasi kandidato ako, ako yung head of office, and by February 8, official campaign period na. So hihingi sana kami, we’re– we’re preparing our– our petition na sana ay payagan kaming ituloy-tuloy ng office," ani Robredo.

Binigyang-diin din ng presidential aspirant ang pangangailagangpalakasin ang pagtugon sa COVID-19 sa bansa, lalo na ang programa sa pagbabakuna, ngayong nadetect na ang Omicron sa bansa.

Umaasa siyang payagan sila ng Comelec na ipagpatuloy ang mga programa at sinabi niyang hindi na siya dadalo sa mga aktibidad ng programa sa panahon ng kampanya.

“Hindi ako. Hindi ko pupuntahan yung mga programs, pero sana payagan kaming ituloy-tuloy yung mga programa, especially for COVID-related operations gaya ng Vaccine Express, yung Swab Cab, yung Bayanihan E-Konsulta kahit campaign period na. Kasi yung need nandiyan eh," ani Robredo.