Umaabot na lamang sa 289 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa nitong Huwebes, Disyembre 16.
Gayunman, mas mataas ito kumpara sa 237 bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Pilipinas nitong Miyerkules, Disyembre 15.
Sa kabuuan, nakapagtala na ang Pilipinas ng 2,837,016 na kaso nito.
Sa naturang kabuuang bilang, 0.4% na lamang naman o 10,095 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Kabilang naman sa active cases ang 3,870 mild cases, 3,442 na moderate cases, 1,845 na severe cases, 549 na asymptomatic at 389 na kritikal.
Mayroon din namang 380 mga pasyente pa ang gumaling na rin mula sa sakit, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,776,425 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.9% ng total cases.
Sa kabuuan, nasa 50,496 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.78% ng total cases matapos madagdagan ng 47 pang nasawi sa sakit.
Mary Ann Santiago