Handa na ang Office of the Vice President para umaksyon sa masasalanta ng Bagyong Odette.

Sa post ni VP Leni Robredo sa kanyang social media, sinabi nitong nakahanda na ang mga relief goods na ipapamigay sa mga apektado ng bagyo.

"Sa mga nagtatanong po kung anong maitutulong sa mga nasasalanta ng bagyo ngayon, yung OVP po ay may prepositioned relief goods na po na nakahanda," ani Robredo.

Dagdag pa niya, nakikipag-ugnayan na ang OVP sa mga lokal na pamahalaan at ilan nitong partners upang alamin ang pinakakailangan nila ngayon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagpaalala naman si Robredo sa mga nais na mag-donate sa kanilang opisina na antayin na lamang hanggang bukas Disyembre 17, upang mas malinaw ang impormasyong maihahatid.

"Yung mga nagpaplano pong mag donation drive, ang suggestion po namin, hintayin natin until tomorrow para mas may better information na tayo ng mga kailangan. Anyway, nakahanda na po kmi ng tulong for today and the next few days. Para lang po mas organized tayo."

Noong Disyembre 14, nauna nang nagpahayag ng pag-iingat ang bise sa mga apektadong lugar.

Basahin: VP Leni, pinag-iingat ang mga taga Eastern Visayas dahil sa bagyong Odette

“Sa ating mga kababayan sa Eastern Visayas at iba pang lugar na maaapektuhan ng #OdettePH: Maging handa, kalmado, at alerto po tayo,” tweet ni Robredo.

“Sumunod sa mga patakaran at panawagan ng inyong lokal na pamahalaan, lalo na kung kailangang lumikas. Mag-iingat po kayong lahat,” dagdag pa niyang panawagan.