Dalawang beses na nag-landfall ang bagyong 'Odette,' ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes.
Dakong 3:10 ng hapon na ng bayuhin ng bagyo ang bisinidad ng Cagdianao, Dinagat Islands, ayon sa Facebook post ng ahensya.
Una nang hinagupit ng bagyo ang Siargao Island dakong 1:30 ng hapon.Sa huling abiso ng PAGASA, kumikilos na ang bagyo pa-kanluran at tatahakin ang Central at Western Visayas region bago dumaan sa Sulu Sea.
“After passing near or in the vicinity of either Cuyo or Cagayancillo archipelago, Odette is forecast to cross the northern or central portion of Palawan tomorrow afternoon or evening before emerging over the West Philippine Sea,” ang bahagi ng pahayag ng PAGASA.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging195 kilometerper hour (kph) at bugsong hanggang 240 kph.
Kumikilos ito pa-kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 30 kph.