Isinailalim pa rin sa Signal No. 3 ang walong probinsya sa Visayas at Mindanao habang 45 pang lugar sa bansa ang apektado ng pananalasa ng bagyong "Odette."

"Considering the on-going rapid intensification of the typhoon, there is an increasing likelihood that TCWS #4 will be hoisted for several localities near and along the immediate path of the typhoon," ayon sa abiso ng PAGASA.

Huling namataan ang bagyo sa layong 265 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte taglay ang hanging may lakas na 165 km per hour (kph) at bugsong hanggang 205 kph.

Aabot na sa 480 kilometro ang lawak ng lakas ng hangin ng bagyo mula sa gitna habang kumikilos ang pa-kanluran-hilagang anluran sa bilis na 25 kph.

Probinsya

Lalaking nagnakaw ng manok ng pulis, patay sa engkwentro

Kabilang sa isinailalim sa Signal No. 3 ang mga sumusunod:

  • Southern Leyte
  • Katimugang bahagi ng Leyte (Abuyog, Mahaplag, City of Baybay, Inopacan, Hindang, Hilongos, Bato, Matalom, Javier)
  • Bohol
  • Central at southern portion ng Cebu (Lapu-Lapu City, Cordova, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan, Consolacion, Mandaue City, Cebu City, City of Talisay, Minglanilla, City of Naga, San Fernando, Ginatilan, Samboan, Santander, Oslob, Badian, Dalaguete, Alcoy, Boljoon, Malabuyoc, Alegria, Argao, Catmon, Tuburan, Asturias, Sogod, Balamban, Toledo City, Pinamungahan, City of Carcar, Aloguinsan, Barili, Dumanjug, Sibonga, Moalboal, Ronda, Alcantara), kabilang ang Camotes Islands
  • Dinagat Islands
  • Surigao del Norte
  • Hilagang bahagi ng Agusan del Norte (Tubay, Santiago, Jabonga, Kitcharao),
  • Hilagang bahagi ng Surigao del Sur (Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, City of Tandag)

Nasa Signal No. 2 naman ang mga sumusunod na lugar:

  • Sorsogon
  • Masbate, kabilang ang Burias at Ticao Islands, Cuyo Islands, Cagayancillo Islands
  • Katimugang bahagi ng Oriental Mindoro (Bongabong, Roxas, Mansalay, Bulalacao),
  • Romblon
  • Northern Samar
  • Eastern Samar
  • Samar
  • Biliran
  • Nalalabing bahagi ng Leyte
  • Nalalabing bahagi ng Cebu, kabilang ang Bantayan Islands
  • Negros Oriental
  • Negros Occidental
  • Siquijor
  • Guimara
  • Iloilo
  • Antique
  • Capiz,
  • Aklan
  • Nalalabing bahagi ng Surigao del Sur
  • Nalalabing bahagi ng Agusan del Norte
  • Agusan del Sur
  • Hilagang bahagi ng Bukidnon (Malitbog, ImpasugOng, Manolo Fortich, Libona, Baungon, Sumilao) Misamis Oriental, Camiguin
  • Hilaganng bahagi ng Misamis Occidental (Lopez Jaena, Plaridel, Baliangao, Calamba, Sapang Dalaga, Concepcion, Oroquieta City, Aloran)
  • Dulong bahagi ng Zamboanga del Norte (Rizal, Sibutad, Dapitan City, Dipolog City, Polanco, Piñan, La Libertad, Mutia)

Inilagay naman sa Signal No. 1 ang mga sumusunod:

  • Catanduanes
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Albay
  • Burias Island
  • Marinduque
  • Katimugang bahagi ng Quezon (San Antonio, Tiaong, Candelaria, Sariaya, Dolores, Lucena City, Pagbilao, Padre Burgos, Atimonan, Agdangan,Unisan, Gumaca, Plaridel, Pitogo, Lopez, Guinayangan, Buenavista, Catanauan, General Luna, Macalelon, Mulanay, San Narciso, San Andres, San Francisco, Tagkawayan, Calauag, Quezon, Alabat, City of Tayabas, Perez)
  • Batangas
  • Oriental Mindoro
  • Occidental Mindoro
  • mainland Palawan, kabilang ang Balabac, Calamian, and Kalayaan Islands
  • Hilagang bahagi ng Davao Oriental (Baganga, Cateel, Boston)
  • Hilagang bahagi ng Davao de Oro (Laak, Mawab, Nabunturan, Montevista, Monkayo, New Bataan, Compostela)
  • Hilagang bahagi ng Davao del Norte (Talaingod, Santo Tomas, Kapalong, Asuncion, San Isidro, New Corella)
  • Nalalabing bahagi ng Misamis Occidental
  • Nalalabing bahaging Bukidnon
  • Lanao de Norte
  • Lanao del Sur
  • Hilagang bahagi ng Zamboanga del Norte (Labason, Kalawit, Tampilisan, Liloy, Salug, Godod, Bacungan, Sindangan, Siayan, Jose Dalman, Manukan, Pres. Manuel A. Roxas, Katipunan, Sergio Osmeña Sr., Gutalac, Baliguian)
  • the northern portion of Zamboanga del Sur (Bayog, Lakewood, Kumalarang, Guipos, Mahayag, Dumalinao, Tukuran, Tambulig, Ramon Magsaysay, Aurora, Molave, Sominot, Tigbao, Labangan, Josefina, Pagadian City, Midsalip, Dumingag)
  • Hilagang bahagi ng Zamboanga Sibugay (Titay, Ipil, Naga, Kabasalan, Siay, Diplahan, Buug)

Paliwanag ng ahensya, patuloy ang pagkilos ng bagyo pa-kanluran sa Philippine Sea.

"The center of its eye is forecast to make its initial landfall in the vicinity of Dinagat Islands, Siargao-Bucas Grande Islands, or the northern portion of Surigao del Sur this noon or early afternoon," ayon sa PAGASA.

Inaasahan din ang pagtawid ng bagyo sa ilang lalawigan saCentral at Western Visayas region bago ito tatahak sa Sulu Sea sa Biyernes.

Babala rin ng PAGASA, asahan ang malakas na pag-ulan saCaraga, Central Visayas, Misamis Oriental, Camiguin, Southern Leyte, at Negros Occidental mula ngayon Huwebes, Disyembre 16 hanggang Biyernes.