Matapos ang pagtutok ng sambayanang Pilipino sa laban ni Beatrice Gomez sa Miss Universe 2021, nakaabang naman ang lahat sa magiging laban ng pambato ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez para sa Miss World 2021.
Sa ganda, tatas, at lalim ng kaniyang pagsagot ay umaasam-asam ang beauty pageant fans na 'maipapasok sa banga' ni Tracy ang pangarap na maibalik ang Miss World crown sa Pilipinas, na nauna nang dinala ni Megan Young noong 2013. Trending sa social media ang kaniyang video sa kaniyang sagot sa 'Beauty With a Purpose Round' kung saan nakapasok siya sa Top 5.
"Philippines!! We made it to the top 5 of the BWAP final round. Miss World Organization will also be coming to the Philippines to fund my project. Mommy Chona, this is for you and to all the solo parents out there," pahayag ni Tracy sa kaniyang Instagram post nitong Disyembre 16.
Ngunit sa kabila ng validation at mga papuring natatanggap, dumarating pa rin sa punto na pinanghihinaan ng loob si Tracy. Iyan ang ibinuking niya sa isang panayam sa kaniya.
"I have to be honest. There were times that I would give up, that I would tell myself that I can’t do it, I am not enough, that I will never be at par with all those amazing beautiful girls, especially the Latinas," aniya.
“But I thought to myself If I don’t believe in myself, who else would?”
Kaya naman, isa sa mga naging inspirasyon niya ay ang words of wisdom na ibinahagi sa kaniya ni Megan Young.
"You just really have to be yourself," paalala sa kaniya ni Miss World 2013.
“Unlike other competitions, they would judge you from the very beginning, from the instant that you land in Puerto Rico. They will be looking for someone who is real, who is authentic, and someone who can carry the Miss World brand."
Iniaalay raw niya ang kaniyang Miss World journey sa yumaong ina na mag-isang nag-aruga at nagpalaki sa kaniya. Naniniwala siya na gagabayan siya nito saan man ito naroroon.
Isasagawa ang coronation night ng Miss World sa Disyembre 17, 2021, na magaganap sa Puerto Rico.