Ang lakas maka-wow talaga ang mga singers na mula noon at hanggang ngayon ay nandodoon pa rin ang kalidad ng boses. Hindi mo talaga matatawaran ang angking talento na hindi pa rin kumukupas.

Ilan sa kanila ay ang classic balladeer na si Mr. Marco Sison at ang Powerhouse Diva na si Ms. Dulce Bakit kamo?

Napaunlakan lang naman ang Balita na awitin ni Marco ng acapella ang ilang linya ng kanyang biggest hit song noong '80s na “My Love Will See You Through.”

Hanep talaga dahil ang ganda pa rin ng boses at napakalamig. Naganap ito sa recent presscon ng kanilang Paskong Pinoy concert na “Parol, Bibingka at Puto Bumbong.” Nagsimula ang nasabing concert sa streaming ng Mulat Media nitong Dec. 6-15 (Philippines) at ngayong Dec. 16 hanggang Jan. 2, 2022 worldwide naman itong mapapanood.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Kasama ni Marco sa concert ay ang kapwa OPM icons na sina Powerhouse Diva na si Ms. Dulce, ang singer-songwriter na si Mr. Rey Valera at may special participation ang Thessalonian Singing Ambassadors.

Ang musical director ay si Adonis Tabanda at sa direksyon ni Direk Calvin Neria. Para sa tikets, makakabili ay sa cinema.mulatmedia.com. Samantala, dahil sa ganda pa rin ng boses ni Marco natanong ng Balita kung anong masasabi niya sa ilang mga singers na totally may nabago na sa kanilang pag-awit o nagiging tunog lata na ang boses.

Aniya, "Para sa akin bisyo dahil kung iinom ka siyempre hindi mo mararamdam yun hanggat bata ka.

“Pero nasusunog yung voice box. Kaya sinasabi ko lalo na kung hard drinker ka at the certain age kapag na-reach mo ang age na iyon sunog na siya. Kung napapansin ninyo mayroong mga singers na matataas ang boses biglang bumababa ang range ng boses it’s because of that yung drinking.

“Tapos yung condition ng katawan nagkasakit. Kasi kapag nagkasakit ka nag-iiba na lahat yun diba, nagkakaroon ng diperensiya. May kinalaman din yan sa inborn ka pinanganak kang may magandang boses. Kasi iba rin yung aral na nasa tono tapos nag-aral ka gumaling ka. Iba rin yung ipinanganak ka na mayroon kang ganoong boses. So mas may stamina mas may longevity yung inborn.

Nagbigay din ng sagot si Ms. Dulce ukol dito na kasama ni Marco during presscon.

Sey niya, “Kasi nagiging tunog lata siguro kapag wala na rin yung…. Nanghihina na rin yung… wala ng stamina to sustain. Minsan yung nauubusan na ng hininga kapag hindi na na-maintain yung power to push kaya bumabagsak.

“Tapos dahil na rin sa age kung minsan, humihina yung muscles. Yung voice box, mayroong nanghihina yung ganoon hindi nakakahit. Puwede naman sanang kung hindi na talaga kaya i-adjust wala namang magbabago doon. Siguro nawawala o nanghihina rin yung power kung anuman. But I cannot really tell kung anong exactly ang reason.”

Kapwa naman nabanggit at hinahangaan nila Dulce at Marco ang “Asia’s Queen of Songs” na si Ms. Pilita Corrales dahil kahit daw nagkakaedad na ito nandodoon pa rin at maganda pa rin daw ang boses nito. Korek! Yun na!