Nasabat ng mga tauhan ngBureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang aabot sa 9,160 party drugs o ecstasy tablet na nagkakahalaga ng₱15,572,000 mula sa Netherlands sa ikinasang operasyon sa Pasay City kamakailan.

Sa paunang report ng mga awtoridad, ang nabanggit na iligal na droga ay natagpuan ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Inter Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) sa tatlong kahong dumating sa bansa at idiniretsosaCentral Mail Exchange Center sa lungsod.

Nakasiksik umano ang iligal na droga sa pitong hand bagsat 16improvised pouches nang mabisto habang dumadaan sa X-ray at physical examination.

Ipapadala sana ang droga sa isangNikki Deximo, taga-TierraBonita 1, Dasmariñas, Cavite, ayon pa sa ulat.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Bella Gamotea