Nagkaroon ng bagong atraksyon at libangan ang taga-Bagumbong, North Caloocan. Ito ay matapos buksan sa publiko ang peryahan nito lamang Disyembre.

Bukod sa rides, mayroon ring mga bilihan ng makakain tulad ng silog, at mga street foods sa tabi ng peryahan.

Hati naman ang naging reaksyon ng ilang bisita sa pagbubukas ng nasabing lugar.

Ang ilan ay masaya sapagkat nagkaroon na naman ng bagong pasyalan sa kanilang lugar.

National

Anumang banta sa buhay ng pangulo, isang usapin ng ‘national security’ – Año

Samantala, ang iba naman ay nagsabi na hindi pa rin ligtas ang peryahan laban sa COVID-19 lalo na sa mga batang hindi pa nababakunahan.

Ayon naman sa pamunuan ng peryahan, maigting pa rin na sinusunod ang minimum health protocols kontra COVID-19 tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

Dagdag pa dito, limitado lamang ang bilang ng maaaring pumasok sa peryahan. Ito ay upang mapanatili ang pagkakaroon ng distasya ng mga bisita.