Puring-puri ang direktor na si Louie Ignacio sa 'katapangan' at dedikasyon sa trabaho ng magkatambal na sina Ken Chan at Rita Daniela para sa kanilang pelikulang 'Huling Ulan sa Tag-araw' na unang pelikula nilang dalawa na mapapabilang sa taunang Metro Manila Film Festival nitong 2021.

Palaban at walang kiyeme umano ang dalawa sa ilang maiinit na eksena sa pelikula, dahil iyon naman talaga ang hinihingi ng kanilang karakter. Ang role kasi ni Rita ay isang babaeng bayaran habang si Ken naman ay seminarista.

Ayon naman kay Ken Chan, talagang palaban si Rita at walang inaayawan kahit anong eksena at game na game ito.

“Ganu’n siya ka-dedicated sa trabaho niya. Hindi siya ‘yung nahihiya na magpapaalam muna siya sa handler o manager niya, hindi. Siya mismo magde-decide sa sarili niya, ‘kaya ko ‘to para sa ikagaganda ng pelikula.’ Kaya tingnan n’yo naman po ang pelikula," bida ni Ken sa mga dumalong showbiz reporters sa screening at press conference na ginanap sa gateway Mall Cinema 1 sa Cubao, Quezon City.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Kung hindi ginawa ni Rita ‘yung mga gustong ipagawa ni Direk, kung ano ‘yung mga nabi-visualize nila, hindi rin magiging ganoon ‘yung magiging resulta kasi meron siyang limitasyon pero kasi si Rita, nagugulat pa rin ako sa kanya kahit tatlong taon na kaming magkasama,” papuri pa ni Ken kay Rita.

Si Rita naman, tila 'nasarapan' sa maiinit na eksena nila ni Ken.

"Anong naramdaman ko… ahmmm… nasarapan!" walang kiyemeng biro ni Rita habang tumatawa. "Aarte pa ba ako, eh Ken Chan 'yan, ang guwapo-guwapo ohhh…"

Biro pa ni Ken, dahil nga sa walang kiyeme at game na game si Rita sa mga nais ipagawa sa kaniya ni Direk Louie, ay nakakita siya ng 'totoong Pagsanjan Falls', na ikinahalakhak naman ng mga taong naroon.

Direk Louie Ignacio, Rita Daniela, at Ken Chan (Screengrab mula sa YT)

Mapapanood sa mga piling sinehan ang 'Huling Ulan Sa Tag-araw' sa Disyembre 25. Kabilang din sa pelikula sina Lotlot de Leon, Richard Yap, Ahwel Paz at marami pang iba, hatid ng Heaven’s Best Entertainment.