PANGASINAN– Dinumog ang Capitol Plaza sa unang araw ng taunang Simbang Gabi ngayong Martes ng madaling araw, Disyembre 16.

Isinagawa ang Simbang Gabi sa Capitol Plaza na pinangunahan ni Gob. Amado I. Espino III kasama ang kanyang asawa na si Karina Padua-Espino at kanilang anak na si Amado Espino IV.

Nagsilbing officiating priest si Rev. Fr. Geraro Herramia, parish priest ng Epiphany of Our Lord sa Lingayen, Pangasinan.

Samantala, naipatupad naman ng Pamahalaang Panlalawigan ang health protocols gaya ng social distancing at pagsusuot ng face mask sa kabila ng pagdagsa ng mga tao sa Kapitolyo.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Dumalo rin sa misa sina Provincial Administrator Nimrod S. Camba, Provincial Governor’s Office Chief Administrative Officer Irmina Franciso, Provincial Health Officer Anna Ma. Teresa De Guzman, Sangguniang Panlalawigan Secretary Verna Nava-Perez, MISO Chief Modesto Singson, Provincial Librarian Cynthia Vila, Provincial Tourism and Cultural Affairs Officer Malu Elduayan at Provincial Information Officer Orpheus M. Velasco.

Liezle Basa Inigo