Nakitaan ng independiyenteng monitoring group na OCTA Research Group ng “uncharacteristic spike” ng mga bagong kaso ng COVID-19 ang Iligan City matapos na bilang tumaas ang reproduction number nito sa 2.34.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, mula sa dating 0.40 lamang ay tumalon ang reproduction number ng Iligan City sa 2.34.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng mga tao na kayang ihawa ng isang pasyente ng virus.

“Is this due to omicron? There is no evidence to support it at this time, but the possibility is there,” pahayag pa ni David, sa kanyang Twitter account.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kasabay nito, hinikayat rin niya ang pamahalaan na suriin sa COVID-19 ang mga indibidwal na mula sa Lanao del Norte.

“Until we find out more, it might be best to test people coming from Lanao del Norte,” aniya pa.

Samantala, sa panig naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sinabi nito na ang reproduction number ay hindi dapat na maging sole determinant kung ang isang lugar ay may pagtaas ng mga kaso ng sakit.

“That’s why we don’t use it as the sole determinant if an area has increasing cases or we should be alarmed of the case trends in an area. Marami pa ho tayong tinitignan,” paliwang niya.

Sa kasalukuyan aniya, ang Iligan ay mayroong two-week growth rate na 200% at average daily attack rate (ADAR) na 0.52 per 100,000 population.

Nabatid na ang average number ng mga bagong kaso ng sakit sa Iligan ay nasa 27 mula Disyembre 2 hanggang 15.Ito’y malaking pagtaas mula sa average na 9 cases lamang mula Nobyembre 18 hanggang Disyembre 7.

“So kung tinignan, kinumpara, 9 dati… compared it with the 27 talagang 200% po ang pagtaas pero kailangan tignan natin ito against the total population kung ano po ang nagiging epekto nitong mga bagong kaso ito and of course with the health systems capacity,” ani Vergeire.

“So hindi lang po dapat isang metric and tinitignan natin. But of course we are closely monitoring these areas na nagpapakita ng ganito,” dagdag pa niya.

Base aniya sa kanilang data at ulat, wala pang natutukoy na clusters sa Iligan, na nangangahulugan na ang mga kaso ay kalat sa lungsod.

Klasipikado pa rin naman ang Iligan bilang low risk sa COVID-19.

Mary Ann Santiago