Pinuna ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang approval ng P5.024 trilyong national budget para sa 2022 dahil hindi nakatuon sa pagtugon sa COVID-19 pandemic kundi para pondohan ang mga umano'y paboritong proyekto ng Duterte administration, gaya ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NT-ELCAC) at ng Office of the President (OP).

Ayon kay Zarate, may mga bahagi ang pambansang budget na pinagtibay ng bicameral conference committee noong Miyerkules na sa halip na gamitin sa ibang mga programa at tanggapan ng administrasyon ay dapat na inilaan sa paglaban sa pandemic.

Ang tinutukoy rito ng kongresista ay ang P17.01 billion budget na ipinagkaloob sa (NTF-Elcac), isang ahensiya na umano'y ginagamit para mang-harass lang ng mga aktibista at kritiko.

“In the main, the bicam should have completely defunded the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict instead of still giving it a gargantuan P17 billion budget,” diin ni Zarate.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“These funds, rather than be spent on red-tagging, spreading of fake news and pork barrel, can be better utilized in ramping up our COVID response, especially with new rampaging variants, and, helping our suffering people,” dagdag ng Bayan Muna solon.

Bukod dito, binanggit niya ang napakaliit na bawas o deductions sa budget ng Office of the President (OP) na binubuo ng intelligence at confidential funds, mga alokasyon na dapat ibinigay na lang sa pag-ayuda sa mga tao na apektado ng COVID-19 lockdowns.

“Nasa P53.478 million lang ang nabawas sa OP kapag kinumpara sa NEP (National Expenditures Program), samantalang napakaraming intelligence funds at confidential funds dito na pwede magamit para sana sa ayuda at iba pang pangangailangan ng ating mamamayan,” ani Zarate.

Bert de Guzman