Nabakunahan na ng pamahalaan ang aabot sa 2.7 milyong kabataang mula 12 hanggang 17 taong gulang.
Sa Laging Handa public briefing nitong Huwebes, sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje na tanging COVID-19 vaccines pa lamang din ng Pfizer atModernaang may go-signal upangmaituroksa pediatric population.
“‘Yung ating rest of the pediatric population, may mga 62 percent na tayong nabakunahan ng kanilang first dose tapos mga 24 percent ang may fully vaccinated.So, mga 2.7 million na ‘yung kabataan na nagkaroon ng dalawang doses ng Pfizer or Moderna para sa ating mga kabataan,” dagdag pa niya.
Una nang sinabi ng National Task Force Against COVID-19 na sa kanilang pagtaya, mayroong kabuuang 12.7 milyong kabataan ang kabilang sa naturang age group.
Mary Ann Santiago