Patay ang isang piloto at nasa kritikal na kondisyon naman ang student pilot nito matapos bumulusok sa ilog ang sinasakyan nilang two-seater na Cessna plane sa Alaminos, Pangasinan nitong Miyerkules ng umaga, Disyembre 15.

Sa report ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang insidente ay naganap dakong 9:00 ng umaga.

Naiulat na umalis sa Lingayen Airport ang nasabing trainer plane para sa isasagawang orientation flight dakong 8:22 ng umaga.

Gayunman, wala pang isang oras ito sa himpapawid nang maganap ang insidente.

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

Iniimbestigahan na ng CAAP ang insidente.

Ariel Fernandez