Nagpahayag ng kaniyang patutsada si Senador Leila De Lima laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, hinggil sa pahayag nito na ang isyu ng Pilipinas sa China tungkol sa West Philippine Sea ay iba sa isyu ng pagkakaibigan ng China sa Pilipinas, sa ginanap na Summit for Democracy ng US.

"Yung issues diyan sa West Philippine Sea, ibang issue 'yan. At ibang issue itong pagkakaibigan natin sa kanila," ayon sa pahayag ng pangulo.

"I’d like to remind everybody that when everything was down for us, it was China, for whatever really is masabi nila about the relations of Philippines and China, I would maintain we are good friends, and they were the first ones to give us vaccines," dagdag pa ng pangulo.

Mula sa mga pahayag na ito ay nagpasaring naman ang senadora na isa sa mga kilalang kritiko ni Pangulong Duterte, sa pamamagitan ng kaniyang social media accounts.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Screengrab mula sa Twitter/Leila De Lima

May be a Twitter screenshot of 3 people and text that says 'Leila de Lima @SenLeiladeLima Kung yung kapitbahay mo nagtatayo ng extension ng bahay nila sa lupa mo, nanakot sa anak at asawa mo, at pumapasok pa sa loob ng bahay mo para mang-agaw ng pagkain at kasangkapan, kaibigan pa rin ang tawag mo doon? Yan ba ang
Screengrab mula sa FB/Twitter/Leila De Lima

"Kung yung kapitbahay mo nagtatayo ng extension ng bahay nila sa lupa mo, nanakot sa anak at asawa mo, at pumapasok pa sa loob ng bahay mo para mang-agaw ng pagkain at kasangkapan, kaibigan pa rin ang tawag mo doon?" ani De Lima.

Tinawag niyang tuta at hindi kaibigan si Pangulong Duterte.

"Yan ba ang 'Ama ng Bayan'? LOL Tuta ka ng mga 'yan, hindi kaibigan."

Samantala, wala pa namang tugon si Pangulong Duterte o ang Palasyo tungkol sa tiradang ito ni De Lima.