Wala pang nakukuhang emergency use authorization (EUA) mula sa World Health Organization (WHO) ang Sputnik V vaccine ng Russia, ayon sa Department of Health (DOH).
Gayunman, sinabi ng DOH na pinag-aralan muna ng mga local experts ang datos ng nasabing bakuna bago naaprubahan ang EUA nito sa Pilipinas.
Nauna nang naiulat ng Agence France Presse, hindi pa rin nabibigyan ng EUA ng WHO ang naturang bakuna.“Ibig sabihin, wala sa emergency use list niya. Pero since nabigyan naman siya ng regulatory agencies all over the world ng go-signal, inaral din ito ng ating DOH at Food and Drug Administration kaya tinutuloy natin itong ibigay sa ating mga kababayan," ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa isinagawang public briefing nitong Miyerkules.
Wala rin aniyang dahilan upang ihinto ng Pi;ipinas ang paggamit ng nabanggit na bakuna hangga't hindi pa aprubado ng WH
“We don’t see any reason why we should put it on hold. May liberty, may freedom naman ang country to vaccinate kung ano ang gusto niyang i-vaccinate basta pumasa sa ating Philippine FDA [Food and Drug Administration]," paliwanag nito.
Inihalimbawa ni Cabotaje ang kaso ng Sinovac sa unang bahagi ng pagbabakuna ng Pilipinas na hindi agad nabigyan ng EUA.
“Kagaya nung Sinovac, nung nag umpisa tayo, wala pa sa emergency use list [ng WHO] ang Sinovac. Pero nung lumaon ay na-include na rin sa emergency use list ng WHO," paglilinaw nito.
Gayunman, nilinaw ngRussian Direct Investment Fund, nakakuha na ang Sputnik V vaccine ng EUA sa mga bansang Russia, Belarus, Argentina, Bolivia, Serbia, Algeria, Palestine, Venezuela, Paraguay, Turkmenistan, Hungary, UAE, Iran, Republic of Guinea, Tunisia, Armenia, Mexico, Nicaragua, Republika Srpska, Lebanon, Myanmar, Pakistan, Mongolia, Bahrain, Montenegro, Saint Vincent and the Grenadines, Kazakhstan, Uzbekistan, Gabon, San-Marino, Ghana, Syria, Kyrgyzstan, Guyana, Egypt, Honduras, Guatemala, Moldova, Slovakia, Angola, Republic of the Congo, Djibouti, at Sri Lanka.
Kabilang din sa mga ito ang Laos, Iraq, North Macedonia, Kenya, Morocco, Jordan, Namibia, Azerbaijan, Philippines, Cameroon, Seychelles, Mauritius, Vietnam, Antigua and Barbuda, Mali, Panama, India, Nepal, Bangladesh, Turkey, Albania, Maldives, Ecuador, Brazil, Nigeria, Chile Indonesia,at Cambodia.
Analou de Vera