Inalerto ngPhilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang 16 na lugar sa Eastern, Central Visayas at Caraga na isinailalim sa Signal No. 1 sa bagyong Odette na may international name na "Rai."

Sa weatherbulletin ng PAGASA, kabilang sa apektado ng bagyo angNorthern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Bohol, northern portion ng Cebu, central portion ng Cebu, kabilang ang Bantayan at Camotes Islands, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Camiguin, at eastern portion ng Misamis Oriental.

Babala ng PAGASA, inaasahan ang malakas na hangin sa loob ng 36 na oras.

“Areas under TCWS (tropical cyclone wind signal) will be expanded in succeeding bulletins, while the hoisted wind signals in some localities of the country will be upgraded as Odette moves closer.TCWS #2 may be hoisted this morning or afternoon for some areas currently under TCWS #1. The highest level of wind signal that may be hoisted during the passage of Odette is TCWS #3 due to possible destructive typhoon-force winds in localities near or along the path of this tropical cyclone,” pahayag ng PAGASA nitong Miyerkules, Disyembre 15.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Taglay ng bagyo, ang hanging aabot sa 110 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsonghanggang 135 kilometro bawat oras.

Huli itong namataan sa layong735 kilometro silangan ngHinatuan, Surigao del Sur at kumikilos pa-kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng mag-landfall ang bagyo sa Caraga o Eastern Visayas sa Huwebes ng hapon, Disyembre 16.

Pagkatapos humagupit, inaasahan ng ahensya na patuloy ang pagkilos nito pa-kanluran at dadaan sa ilang probinsya sa Central at Western Visayas bago tumbukin ang Sulu Sea sa Biyernes ng hapon.

“After passing near or over the Cuyo archipelago, this tropical cyclone is forecast to cross the northern portion of Palawan on Friday evening before emerging over the West Philippine Sea,” ayon sa PAGASA.

Inaasahan ang malakas na pag-ulan na posibleng lumikha ng flashflood at landslide sa mga nabanggit na lugar, babala pa ng PAGASA.

Ellalyn De Vera-Ruiz