ILOILO CITY – Dahil nakataas na ang Storm Signal No. 1 para sa Tropical Storm “Odette,” sinuspinde ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga biyahe sa mga apektadong karagatan simula Miyerkules, Dis. 15.

Naglabas ng advisory si Iloilo PCG chief Commander Edison Diaz kung saan kanselado na ang fast crafts at roll-on, roll-off (RoRo) vessels na bumabiyahe mula Iloilo City at daungan sa bayan ng Dumangas, Iloilo na ang ruta ay patungong Bacolod City at Negros Occidental.

Saklaw din ng kanselasyon ang mga biyahe papunta at galing sa Cebu, Palawan, Batangas at Cagayan de Oro.

Kinansela ang mga inter-island sea trip sa hilagang lalawigan ng Iloilo. Kabilang dito ang mga paglalakbay sa dagat papunta at mula sa Gigantes at Sicogon Islands sa bayan ng Carles.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“Likewise, all fishing and banca vessels in the areas are advised not to venture at sea,” pagpupunto ni Diaz sa isang advisory.

Simula nitong tanghali ng Dis. 15, ang natitirang bahagi ng Panay Island kabilang ang mga lalawigan ng Aklan, Antique at Capiz provinces, maging ang isla ng Guimaras ay nakasailalim na sa Storm Signal No. 1.

Tara Yap