Nag-iwan ng magandang laban ang pambato ng Pilipinas sa reality series na Supermodel Me Season 6.
Bigo mang maiuwi ang kampeonato, tinapos naman ni Nikki Advincula de Moura, half Filipino at half Brazilian, mula sa Cagayan de Oro, ang laban bilang 1st runner-up.
Itinanghal na kampeon si Nguyễn Quỳnh Anh, mula sa bansang Vietnam. Si de Moura naman ang 1st runner-up at Nguyễn Quỳnh Anh, mula sa Singapore ang 2nd runner-up.
Umabot sa 10 episodes ang season 6 na sumala sa tatlong finalist:
Episode 1 photoshoot: Survival of The Fiercest: Fly Fearless with La Perla Lingerie
Episode 2 photoshoot: Time to Transform: Sugar & Spice Inside Singapore's First Museum of Ice Cream
Episode 3 photoshoot: Raising The Heat: Get Wet & Wild on Sentosa Infinity Pool
Episode 4 photoshoot: Fast Forward: Supreme Machine with Subaru Forester
Episode 5 photoshoot: Total Knock Out: Steal The Chinese Opera Show
Episode 6 photoshoot: Beast Unleashed: Delicate Bare Beauty in The Wetland Pond
Episode 7 photoshoot: Rule The World: Roll Striking with Finest Handcrafted KrisShop Collection
Episode 8 photoshoot: Be The Fantasy: Fairy Muse Out of The Woodland
Episode 9 photoshoot: The Fast Lane: Light, Camera & Action with Subaru Outback
Episode 10 photoshoot: Final Showdown: Flaunt The Shifty Look of Disco Generation
Si de Moura ang kauna-unahang Pilipina na nakaabot sa final showdown sa loob ng anim na season.
Matatandaan na kinoronahan si de Moura bilang Miss Teen Philippines taong 2019.
Oktubre ngayong taon, noong sinimulan ang season 6 ng nasabing reality series, ibinahagi ni de Moura na hindi lang tungkol sa pag-aayos at pagiging 'feminine' ang kompetisyon, tumatalakay rin ito sa pagsuporta sa kababaihan.“It’s really about embracing women, women empowerment. It’s not just being feminine and girly, but also about being sporty, aggressive and powerful … everything, all in one,” ani de Moura.