Isa ang Filipino-Norwegian na si Markki Stroem sa mga cast members ng seryeng 'My Delivery Gurl' na eksklusibong mapapanood sa Cignal Play, sa 2022.
'Drag queen' ang papel ni Markki sa pelikula at pag-aagawan siya rito nina Victor Basa at Rocky Salumbides. Ito raw ay romantic comedy-drama tungkol sa isang drag queen na 'nalotlot' sa trabaho dahil sa pandemya, kaya minabuting sumabak sa pagiging delivery rider. Kahit na nagdedeliver ay nakasuot pa rin siya ng pam-beauty queen na talaga namang hakot-atensyon sa mga customers.
Ayon sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP, naitanong kay Markki sa ginanap na virtual chikahan noong Biyernes, Disyembre 10, kung nahirapan ba siya sa pagtatago ng kaniyang 'bukol' o bulge sa hinaharap, lalo't ang hitsura niya sa serye ay drag queen at talagang tuck in ang labanan. Kailangan din kasing ipitin ito.
"I had to learn how to tuck. I was on corsette the whole day. So, medyo naano yung mga intestines ko. Actually, nawala yung lower abs ko because of the… I mean yung lower fat ng abs ko, because of the corsette work," pag-amin ni Markki.
Inamin niya rin na 'super masakit' ang pagtatago ng kaniyang 'balls' dahil medyo may kalakihan ito.
“Super! I mean, to be honest, yung balls ko kasi (are) little bit bigger. So, whenever I put it back, it’s like… it’s hard to push it in. So I have to really put a lot of layers ng padding para matago."
"Kasi the balls become a… parang camel toe. So, kailangan mong itago. You have to put more layers, to really hide it," paliwanag pa ni Markki.
Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Markki ang nakakakaba niyang pagrampa sa Arab Fashion Week dahil naka-cross dress siya. Mabuti na lamang daw at hindi siya hinuli ng mga pulis dahil bawal na bawal sa Middle East countries ang cross dressing.