Available na ngayon ang walk-in COVID-19 vaccination sa tatlong magkakaibang mga site sa lungsod ng Marikina bilang bahagi ng ikalawang yugto ng National Vaccination Days campaign sa Dis. 15-17.

Ang Marikina Elementary School sa Barangay Santa Elena ay nag-aalok ng unang dosis ng bakunang AztraZeneca at pangalawang dosis ng mga tatak ng Sinovac, AstraZeneca, Moderna at Sputnik.

Ang MES ay mag-aakomoda mula ika-8 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon ngayong Dis. 15 hanggang Disyembre 16 mula ika-1 hanggang ika-4 ng hapon.

Samantala, ang Marikina Sports Center (MSC) sa Barangay Santo Nino at ang Marikina Hotel and Convention Center (MHCC) sa Barangay Concepcion Dos ay tutugon sa COVID-19 booster shots.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Magbubukas ang MSC ngayong Dis. 15 at Dis. 17 mula ika-8 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon upang bigyan ng Moderna at Pfizer booster shost ang mga ganap na bakunado ng Sinovac, AstraZeneca, Moderna, Pfizer at Sputnik brand vaccines nang hindi bababa sa 180 araw o kung nabakunahan ng J&J vaccines, hindi bababa sa 90 araw.

Ang mga COVID-19 booster vaccine ay magagamit lamang sa mga sumusunod na priority groups: mga medical frontliner (A1), mga senior citizen (A2), mga taong may komorbididad (A3), mga tauhan sa frontline at essential workers (A4), at indigent population (A5).

Ang ikalawang yugto ng National Vaccination Days campaign ay naglalayon na makapagbigay ng booster vaccines at pangalawang dosis ayon sa Department of Health.

Ang unang bahagi ng kampanya na tumakbo mula Nob. 29 hanggang Dis. 1 ay nagresulta ng pamamahagi ng humigit-kumulang 8 milyong dosis ng bakuna.

Seth Cabanban