Hinikayat ni Kalibo Bishop Jose Corazon Tala-oc ang mga mananalampalataya na ipagdiwang ang siyam na “Simbang Gabi” na magsisimula sa Huwebes, Disyembre 16.
Binanggit ng pinuno ng Simbahan ang kahalagahan ng pagdiriwang sa espirituwal na paghahanda ng mga mananalampalataya para sa pagsilang ni Kristo.
"The Aguinaldo or ‘Simbang Gabi’ masses this year can be celebrated in all parish churches and chapels. However, health protocols must be strictly observed and proper coordination must be facilitated with the respective LGUs and other concerned agencies,”ani Tala-oc sa Radio Veritas.
Sinabi ng prelate na ang siyam na araw na novenario ay pagpaparangal sa Mahal na Ina. Hinihikayat niya ang mga nagbabalak magdaos ng “Simbang Gabi” mula Dis. 16 hanggang 24 na dumalo sa misa sa madaling araw.
“Only these holy masses are in keeping with the legitimate tradition of the Filipino people. Thus, the Misa de Aguinaldo held at dawn is the only practice to be encouraged and promoted for the same given reason, that is, for the perseverance of faith,” pagpupunto ni Tala-oc.
Sinabi ng Obispo na ang mga inaasahang misa na gaganapin mula Dis. 15 hanggang 23 ay pinapayagan ng diyosesis kung ang mga ito ay may “genuine pastoral reason,” ngunit hindi isinusulong.
“Simbang Gabi Masses held in the evening should never be an easy substitute for anyone’s convenience,” sabi niya.
Pinaalalahanan din ni Tala-oc ang mga diyosesis na makipag-ugnayan sa kanilang mga LGU sa pagdaraos ng misa upang matiyak ang kaligtasan ng mga dumalo.
“We encourage the parish priests and Parish Team Ministry Moderators to coordinate with their LGUs with regard to the schedule of the ‘Simbang Gabi’ masses in their respective parishes. Different venues which facilitate social distancing, like public plazas, covered court and the likes, may be utilized to provide extra security and safety for everybody,” sabi niya.
Itinuturing na isa sa pinakamatanda ngunit pinakasinusunod na mga tradisyon ng Pasko sa Pilipinas, ang mga kampanan ng simbahan ay tutunog bago magbukang-liwayway para sa pagdaraos ng “Simbang Gabi” na gaganapin sa ika-4 ng umaga at ika-5 ng umaga kasama ang huling misa, ang Misa de Gallo sa Dis. 24, Bisperas ng pasko.
Kilala rin bilang Misa de Aguinaldo, ang mga nagsisimba ay nag-aalay ng handog na sakripisyo sa paggising bago magbukang-liwayway sa loob ng siyam na magkakasunod na araw upang dumalo sa misa ng madaling araw para sa iba’t ibang layunin: sa pasasalamat, bilang isang paraan ng pagsamba o para sa isang petisyon. Ang iba, sa tradisyunal na paniniwalng Pilipino, ay dumadalo sa paggasang amy makukuha ng espesyal na grasya sa pagtatapos ng siyam na araw na misa.
Ang Simbang Gabi ay isang lumang tradisyon na may malalim na ugat sa kultura ng relihiyon ng bansa na itinayo noong 1565 nang ipagdiwang ng Espanyol na “conquistador” na si Miguel Lopez de Legazpi ang unang Pista ng Kapanganakan.
Nagmula ang kaugalian sa Mexico noong 1587, si Fray Diego de Soria, bago ang Kumbento ng San Agustin Acolman, ay humingi ng pahintulot sa Santo Papa na magdaos ng mga misa ng Pasko para sa mga magsasaka na gumising ng maaga upang magtrabaho.
Noong ika-16 siglo, ipinag-utos ni Pope Sixtis V na dapat ding isagawa ang misa sa Pilipinas tuwing ika-16 ng Disyembre. Noong panahong iyon, binigyan nito ng pagkakatoan ang mga magsasaka na makarinig ng misa bago mgatrabaho sa bukid.
Christina Hermoso