Dumating sa Pilipinas ang pinakamalaking suplay ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine nitong Martes, ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez, Jr.

Karamihan sa 8,247,200 doses ng bakuna na idinaan sa COVAX facility ay mula sa donasyon ng iba't ibang bansa sa Europa.

Bukod dito, inaasahang darating pa sa bansa ang tinatayang aabot sa 16 milyong doses ng bakuna ngayong linggo na pinakamataas na weekly delivery sa nakalipas na 10 na buwan.

“We reallythank the COVAXconsidering that almost all of the countries… of its members from the European Union and also from the United States have been donating vaccines.In behalfof the national government and President Rodrigo Roa Duterte, I would like to thank the international community, our international partners, and friends for giving us these much needed vaccines that we will be using for the second part of our national vaccination program,” aniya.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Dahil dito, umabot na sa 166,787,370 doses ng bakuna ang kabuuang suplay ng Pilipinas.

Martin Sadongdong