Kamakailan lamang ay nasungkit ni Miss Universe Nigeria ang parangal na Best in National Costume sa katatapos lamang na 70th Miss Universe pageant. Hindi man ang Bakonawa-inspired NatCos ng pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez ang napili, may dahilan pa rin upang magdiwang at may maipagmalaki ang mga Pilipino.

Ang designer at gumawa lang naman ng National Costume ni Miss Nigeria ay isang kabataang Pilipino, at ito ay si Kennedy Jhon Gasper, na katatapos lamang ng Senior High School.

May be an image of 1 person and standing
Kennedy Gasper (Larawan mula sa IG/FB/DepEd Philippines)

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ayon sa panayam at pagtatampok ng DeEd Philippines, nakapagtapos si Kennedy ng Home Economics-Fashion and Design na nakapailalim sa Technical Vocational Track sa San Mateo Vocational and Industrial High School sa Isabela noong 2018.

Mula umano sa murang edad, kinagiliwan na ni Kennedy ang pananahi at pagdidisenyo ng mga gamit dahil sa kanyang mananahing ina.

Upang masuntentuhan ang kaniyang sariling pag-aaral, tumanggap at naghanap umano ng mga raket o sideline si Kennedy mula sa paggawa at pananahi ng mga costumes sa pageants at espesyal na okasyon, hanggang sa nagkaroon na siya ng mga regular clients.

Masayang ibinahagi ni Kennedy ang mga parangal na nakamit ng kanyang mga likha sa iba’t ibang mga okasyon, lalo na sa mga pageant kung saan laging napipiling Best National Costume ang kaniyang mga disenyo.

“Kung makakita kayo ng pagkakataon kung saan kayo ay magninining grab it tight, and seize your moment and always carry your burning passion for fashion,” pahayag ni Kennedy.

Dahil sa umano kaniyang mga raket, hindi lamang nakilala si Kennedy sa Pilipinas, kundi nagkaroon na rin siya ng mga kliyente sa ibang bansa. Naging tampok ang kaniyang mga obra sa iba't ibang pageant stages.

Ngayong 2021, bukod umano sa National Costume ni Miss Nigeria, gawa rin ni Kennedy ang National Costume ni Miss Haiti para sa Miss Universe at Miss Grand International 2021, pati na rin ang costumes ni Miss Utah para sa Miss Teen USA 2021 at Ms. USA 2021. Siya rin ang lumikha ng costume ni Mss Kenya para sa Miss Supranational.

May be an image of 2 people, people standing and indoor
Larawan mula sa FB/DepEd Philippines/Kennedy Jhon Gasper

May be an image of 3 people
Miss Nigeria (Larawan mula sa FB/Kennedy Jhon Gasper

May be an image of 1 person
Miss Nigeria (Larawan mula sa FB/Kennedy Jhon Gasper

May be an image of 2 people and people standing
Larawan mula sa FB/DepEd Philippines/Kennedy Jhon Gasper

May be an image of 1 person, standing and text that says 'ROAD TO MISS USA JESSIKAT MISS MIUTA UTAL UTAH AH'
Larawan mula sa FB/DepEd Philippines/Kennedy Jhon Gasper

“Maraming beses man akong magkamali, hinding hindi ako matatakot na magsimulang muli, dahil sa pagkakataong ito, nagsisimula na akong meron nang karanasan,” pahayag ng bagets na Filipino designer.

Proud na proud naman ang mga dati niyang guro, kaklase, at kakilala.

"As your teacher in Fashion and Design during your high school days, I am really really proud of you Kennedy Jhon Gasper !!! Your talent and skill is such a blessing to you, to your family and to your SMVIHS Family! Stay humble and keep on dreaming. We love you!" pagbati ng gurong si Rosemarie Gelacio.

"Congratulations Kennedy Jhon Gasper and Team. Your San Mateo Vocational and Industrial High School family and whole town of San Mateo, Isabela is very happy and proud to your amazing achievement," pagbati naman ng gurong si Januar Lopez Manuel Galang.

"Great job Kennedy Jhon! Your bright future is waving! Keep inspiring our youth!" wika naman ng isang netizen.

Sa ngayon, nag-aaral si Kennedy ng kursong Bachelor of Fashion and Textile Technology sa Central Luzon State University, sa ilalim ng Department of Textile and Garment Technology.

"Congratulations to our student Kennedy Jhon Gasper for winning BEST IN NATIONAL COSTUME @ Miss Universe 2021…Tatak CLSU…. We are so proud of you!" pagbati ng pamunuan ng kanilang departamento.

Hindi rin nagpahuli ang CSLU sa pagbati sa kaniya.

"A native of San Mateo, Isabela, Mr. Gasper is currently majoring in Fashion Designing and Merchandising at the College of Home Science and Industry."

"He has proven once again that a Filipino and a CLSUan, in particular, can be at par with designers in international arena."

Nagbigay naman ng payo si Kennedy sa kaniyang mga kapwa designer sa TVL track sa SHS na magsikap at panatilihin ang alab sa pagdidisenyo.

Sa ngayon ay may sariling negosyo na si Kennedy, at nais niyang maging inspirasyon sa mga kabataan na walang makakahadlang sa kanilang mga pangarap kung sila ay magtitiyaga.

“Magtiwala kayo sa sarili ninyong kakayahan. Lagi ninyong tatandaan na great things start from small beginnings,” mensahe ni Kennedy.

Congratulations, Kennedy!