Isang komunidad ng mga katutubo sa Palayan City, Nueva Ecija ang mayroon nang akses sa malinis na inuming tubig matapos magdonate ng Embahada ng Israel sa Pilipinas ng isang Israeli-made na portable water purifier.

Ibinigay ni Israeli Ambassador Ilan Fluss, kasama ng Shalow Club-Nueva Ecija, ang portable water purifier facility sa mga opisyal ng Samahan ng mga Makakalikasang Katutubong Ayta (SaMaKa) noong Dis. 9.

“We hope that the indigenous peoples will have access to clean and potable water with the use of this Israeli technology,” ani Fluss.

“The embassy continues to look for ways on how Israeli technology and innovation will reach and benefit more Filipino people,” dagdag niya.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Sa turnover, nagsagawa ng product demo ng portable water purifier, na nagpakita kung paano sinala ang tubig sa Bacao River upang maging isang inuming tubig.

Ang proyekto, ayon sa Israeli embassy, ay bahagi ng “Ngayong Pasko, Salo Tayo” annual outreach program ng Shalom Club-Nueva Ecija na pinamumunuan ni Lorna Mae Vero katuwang ang Israeli embassy.

Si Fluss ang pinakabagong naitalagang ambassador ng Israel sa Pilipinas ngunit ito na ang kanyang ikalawang tour duty sa bansa. Naglingkod siya bilang Deputy Chief of Mission mula 1995 hanggang 1998.

Nakipagpulong siya kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Birgido Dulay noong Nob. 4 kung saan tinalakay niya ang mga pangunahing isyu kabilang ang kooperasyon sa mga usaping paggawa, turismo, depensa at konsulado, gayundin ang mga regional at multilateral developments.

Tinutulungan din ng Israel ang Pilipinas sa pagtugon sa COVID-19 outbreak nito sa pamamagitan ng donasyon ng mga medikal na suplay at kagamitang pang-edukasyon, pagbisita ng dalawang health delegations mula sa Israel at ang pagbabakuna ng komunidad ng Pilipino sa Israel.

Betheena Unite