TACLOBAN CITY – Habang nagsisimula nang maging makulimlim ang kalangitan, naghahanda na ang lokal na pamahalaan at mga komunidad para sa pananalasa ng “Rai” na lumakas pa bilang isang severe tropical storm habang kumikilos pakanluran-hilagang-kanluran nitong Dis. 14.
Dahil sa mataas na posibilidad na maisailalim sa tropical cyclone wind signals ang rehiyon ng Visayas, Tiniyak ng mga mangingisda sa San Jose, Dulag, Leyte na ang kanilang bangkang pangingisda ay nakapuwesto na sa kahabaan ng mga lansangan na may posibleng pagbaha dahil sa mataas na alon sa mga baybayin at daluyong sa mga mababang lokalidad na tatahakin ng bagyo.
Nananatiling kanselado ang mga land trip papuntang Eastern Visayas, habang patuloy ang mga sea trip hanggang sa kanselahin ng mga awtoridad na may posibilidad ng maalon hanggang sa matataas ng katubigan sa mga seaboard ng Southern Luzon at Visayas at sa hilaga, silangan at kanlurang seaboard sa Mindanao.
Ang sentro ng severe tropical storm ay tinatayang nasa 1,165 km Silangan ng Mindanao.
Mayroon itong maximum sustained winds na 95 km/h malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 115 km/h, at central pressure na 990 hPa.
Kumikilos ito pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/h habang unti-unting tumitindi at pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa oras na pumasok ng PAR, itatalaga rito ang pangalang ‘Odette,’ na magsisimulang gumalaw pakanluran sa karagatan ng Pilipinas sa hapon ng Miyerkules.
Basahin: Basahin: Signal No. 1 na! 16 lugar sa Visayas, inalerto kay ‘Odette’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Sinabi ng PAGASA na maaari itong mag-landfall sa paligid ng Caraga o Eastern Visayas sa Huwebes, Dis. 16 ng hapon o gabi.
Tinatayang aabot sa typhoon category si “Odette” sa Miyerkules. Ang pre-landfall peak intensity na humigit-kumulang 155km/h ay maaaring maabot umaga o hapon ng Huwebes.
Marie Tonette Marticio