Naka-standby na ang mga Quick Response Teams (QRTs) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang umayuda sa mga lugar na hahagupitin ng bagyong "Odette."
Ipinagmalaki ng ahensya ang mahigit na 31,000 family food packs na nakahanda at anumang oras ay ipapadala na sa mga maaapektuhan ng kalamidad sa Eastern Visayas o Caraga region.
Nauna nang naiulatng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng hagupitin ng bagyo ang nasabing mga lugar sa Huwebes nggabi.
Ibinatay ng DSWD ang kanilang pahayag sa ulat ngDisaster Response Management Group (DRMG) nito na nagsasabing nakapuwesto na ang mga QRTsng ahensya saBicol, Central Visayas, at Eastern Visayas at handa nang magbigay ng tulong teknikal at resource augmentation support sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.
Idinagdag pa ng DSWD na pinapanatili ng kanilang Central Office at ng National Resource Operations Center (NROC) ang standby funds na₱930 milyon upang magamit sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.
Charissa Luci-Atienza