Nakapagtala na lamang ng 237 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) sa bansa nitong Miyerkules, Disyembre 15.
Mas mataas ito ng dalawang kaso, kumpara sa 235 bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Pilipinas noong Martes, Disyembre 14.
Inihayag ng DOH, umabot na sa 2,836,915 ang kabuuang kaso ng sakit sa Pilipinas.
Sa naturang kabuuang bilang, 0.4% na lamang naman o 10,193 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Sa mga active cases naman, 3,876 ang mild cases, 3,492 ang moderate cases, 1,867 ang severe cases, 567 ang asymptomatic at 391 ang kritikal.
Naitala rin naman ang 565 pasyenteng gumaling sa sakit, kaya sa kabuuan, nasa 2,776,273 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.9% ng total cases.
Nakapagtala rin naman ang DOH ng 100 pasyente na namatay sa sakit.
Sa kabuuan, nasa 50,449 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.78% ng kabuuang kaso
Mary Ann Santiago