Sinagot na ni Derek Ramsay ang kumakalat na chismis na buntis na umano ang misis niyang si Ellen Adarna, at isang 'baby boy' ito.

Matatandaang ayon sa chika ni Cristy Fermin sa kaniyang radio program na 'Cristy Fer Minute' kasama si Romel Chika, marami raw ang napapaisip kung buntis na nga ba si Ellen.

Napansin daw kasi ng mga netizen sa live video ng 45th birthday celebration ni Derek na parang may baby bump na umano si Ellen. Nang hiritan naman umano ng birthday wish ang mister bago hipan ang birthday candle ng kaniyang cake, nabigla umano si Ellen sa sinabi nito.

“I wish, I wish it’s a BOY!” pahayag ni Derek sabay takbo palayo sa misis.

Tsika at Intriga

Cat Arambulo trending sa X dahil sa baha, insensitive nga ba?

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/11/cristy-pinuri-ang-relasyong-ellen-at-derek-ellen-magkaka-baby-na-ba/

This image has an empty alt attribute; its file name is image-105-600x400.png
Derek Ramsay at Ellen Adarna (Larawan mula sa IG)

Kaya naman sa panayam ni Morly Alinio kay Derek na umere sa DZRH noong Disyembre 12, pinabulaanan niya ang chismis na jontis na ang misis.

Sa ngayon daw ay naka-pokus sila sa dalawang babies nila na sina Austin at Elias. Si Austin ay anak ni Derek sa ex niya at si Elias naman ay anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz. Isa pa, ineenjoy pa nilang mag-asawa ang kanilang marriage lalo't mag-iisang taon pa lamang ang kanilang relasyon.

Isa pa, magha-honeymoon sina Derek at Ellen sa Africa na balak nilang gawin sa Enero 2022. Hiling nga nila na sana raw ay bumaba na ang kaso ng Omnicron variant ng COVID-19.

Kung siya naman daw ang masusunod, mas gusto niyang baby boy ang panganay nila ni Ellen.

“Hindi ko kaya pag babae, marami akong gugulpihin. Alam mo, kung magka-anak akong babae, she'll have a complete control of me, 'di ba? Kapag may mga manliligaw, ay naku! Trust me!” pabirong banta ni Derek sa mga lalaking magtatangkang manligaw sa kaniyang future baby daughter.