May kabuuang 100,667 rice farmers mula sa iba’t ibang lugar sa Western Visayas ang nakatanggap ng P503 milyong halaga ng tulong pinansyal mula sa Department of Agriculture.

Sa launching ceremony ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) – Rice Farmers Financial Assistance (RFFA), nakatanggap ang Provincial Government of Iloilo ng P334 milyon habang ang Provincial Government of Aklan ay nabigyan ng P159 milyon.

Ang RFFA, isang programa sa ilalim ng RCEF ng DA, ay nagbibigay ng P5,000 allowance sa maliliit na magsasaka ng palay na nagtatrabaho sa mga kapirasong lupa na wala pang dalawang ektarya.

Sinabi ni DA Secretary William Dar na ginawa ng Rice Tarrification Law ang RCEF-RFFA sa pamamagitan ng pagpopondo dito ng P7.6 bilyong labis na taripa na kinita mula 2019 hanggang 2020.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Binuksan ang registration station sa Farmer’s Interventions Monitoring Card (FIMC) para sa mga magsasaka ng palay sa nasabing programa upang mas mapadali ang pamamahagi ng pinansyal na tulong.

Ang FMIC ay gumaganap bilang parehong identification card at cash card, na nagbibigay-daan sa mabilis na pag-akses sa mga serbisyo ng gobyerno. Maaaring mag-aplay para sa card ang mga magsasaka at mangingisda na miyembro ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Samantala, binigyang-diin ni Dar na kailangang gawing epektibo at matalino ang paggamit sa natanggap na halaga.

“Gamitin ninyo ang pera na matatanggap sa produktibong bagay, tulad ng maliliit na livelihood projects (Use the funds that you will receive in productive things such as small livelihood products) […] the DA and other implementing offices are working hard to make sure that our farmers and fishers will be empowered despite these trying times,” ani Dar.

Faith Argosino