Patay ang isang piloto habang sugatan ang kanyang estudyante nang bumagsak ang isang trainer plane ng isang aviation school sa Alaminos Pangasinan nitong Miyerkules, Dis. 15.

Sinabi ng Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bumagsak ang Cessna 152-type aircraft sa Sual, bayan ng Akaminos bandang alas-9 ng umaga.

Larawan mula PIA Pangasinan

Probinsya

Lalaking nagnakaw ng manok ng pulis, patay sa engkwentro

Ayon sa CAAP, ikinamatay ng insidente ang pilot-in-command at nagdulot ng pinsala sa studyanteng piloto ng Fly Fast Aviation Academy.

Batay sa ulat, lumipad ang aircraft mula Lingayen Airport noong 8:12 AM para sa isang orientation flight.

Isang pangkat ng mga imbestigador mula sa CAAP ang ipinadala na sa lugar upang magsagawa ng imbestigasyon.

Ariel Fernandez