Iniulat ng Department of Health (DOH) na mayroon pang 33 kaso ng Delta variant ng coronavirus disease 2018(COVID-19) ang naitala sa bansa.

Ayon sa DOH, ang mga ito ay na-detect mula sa may 48 samples na isinailalim sa whole genome sequencing hanggang nitong Disyembre 14, 2021.

Nilinaw ng Department of Health (DOH), University of the Philippines - Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines - National Institutes of Health (UP-NIH), ang mga naturang Delta variant cases ay bukod sa dalawang Omicron variant case (B.1.1.529) na na-detect na rin mula sa dalawang biyaherong mula Japan at Nigeria.

Samantala, ang 13 pang kaso na isinailalim sa sequencing ay walang lineage.

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

Ang naturang latest sequencing run ay binubuo ng 21 Returning Overseas Filipinos (ROFs), isang dayuhan at 26 local cases na mula sa lugar na mayroong case clusters, ayon sa ahensya.

Anang DOH, sa 33 karagdagang Delta cases, 14 ang ROFs at 19 ang lokal na kaso na mula saCentral Visayas (3 kaso), Zamboanga Peninsula (3 kaso), Caraga (3 kaso), at SOCCSKSARGEN (3 kaso), Western Visayas (2 kaso), at Cordillera Administrative Region (1 kaso), Central Luzon (1 kaso), CALABARZON (1 kaso), Eastern Visayas (1 kaso), at Davao Region (1 kaso).

Dahil sa mga bagong kaso, umaabot na ngayon sa 7,919 ang kabuuang bilang ng Delta variant cases sa bansa.

Mary Ann Santiago