Natunton na umano ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang dalawa sa apat na katao na nasa likod ng “Mark Nagoyo” account sa Union Bank of the Philippines kung saan inilipat ang mga pondong nakuha mula sa mga account holders ng BDO Unibank Inc. kamakailan.

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni BSP Technology Risk and Innovation Supervision Department Director Melchor Plabasan na dalawa sa apat na katao na nasa likod ng naturang fictitious bank account ang natukoy na nila.

Hindi pa naman pinangalanan ni Plabasan ang mga ito ngunit sinabing hindi sila empleyado ng BDO o UnionBank.

Tiniyak naman ni BSP Deputy Governor for Financial Supervision Sector Chuchi Fonacier, na masusi na nilang iniimbestigahan ang insidente.

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

Matatandaang kamakailan ay ilang account holders ng BDO ang nag-report ng di awtorisadong withdrawal sa kanilang BDO accounts at isinalin sa accounts ng isang "Mark Nagoyo" sa Union Bank.

Kaagad namang bumuo ang BSP ng task force upang imbestigahan ang insidente.

Tiniyak naman ng BDO na ire-reimburse nila ang nawalang pera mula sa kanilang may 700 kliyente, na naapektuhan ng naturang unauthorized bank transfers.

Mary Ann Santiago