Naaresto ng pulisya ang anim na pinaghihinalaang kidnapper, kabilang ang isang Chinese kaugnay ng umano'y pagdukot sa dalawang Chinese at isang Pinoy sa Las Piñas City nitong Disyembre 14.

Kinilala ni Southern Police District chief, Brig. General Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Xing Juntao,32,isang Chinese national, pansamantalang nanunuluyan sa 12/F Unit 503-505A Place, Pasay City; Michael Vargas, 24, taga-Catmon, Malabon City; Ellerie Javier, 40, taga-Santol Tanza Cavite; Elson Obligar, taga-Calamba City; Ronald Desuasido, taga-Lipa City, Batangas; at Marianette Salazar, lady driver, at taga-Imus, Cavite.

Ang dalawang biktima ay kinilala namang sina Huang Xiao Long, 31; at Liang Bo Da,35, at Krizia Estrillia, 19, pawang taga-Mandaluyong City. 

Sa ulat ng pulisya, nakatanggap ng impormasyon ang Las Piñas City Police na may dalawang Chinese nationals at isang kasamang Pinay ang dinukot ng mga armadong lalaki at isinakay sa isang puti na van na may plakang NAR 7212.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Agad na rumesponde ang mga pulis sa 501 Pilar Development Corporation Xin Chuang Bldg., Brgy. Almanza Uno, na ikinaaresto ng mga suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang apat na baril at mga bala at ang nasabing van.

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang anim na kidnapper.

Bella Gamotea