Ipinakilala na nitong Lunes, Disyembre 13, ang bagong weatherman ng flagship newscast ng TV Patrol na pumalit sa ginagampanang tungkulin ni Kuya Kim Atienza noong Kapamilya pa ito.

Ito ay walang iba kundi ang resident weather forecaster ng PAGASA na si Ariel Rojas.

"Isang eksperto ang regular nang maghahatid ng ulat panahon sa TV Patrol," ayon sa Twitter account ng TV Patrol.

"Si Ariel Rojas na dating weather specialist ng PAGASA sa loob ng 4 na taon, ang bagong resident meteorologist at weather presenter ng ABS-CBN."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Welcome to TV Patrol, Ariel!" pagbati sa kaniya ng TV Patrol news anchor na si Henry Omaga-Diaz matapos niyang mag-ulat ng lagay ng panahon. Maya-maya ay winelcome na rin siya ng iba pa kagaya nina Bernadette Sembrano, Gretchen Fullido, Marc Logan, at Karen Davila. Personal pa siyang binisita ng ABS-CBN News Head na si Ging Reyes.

Nagtapos umano ng kursong Food Technology si Ariel sa UP Diliman, at pagkaraan ay kumuha ng master's degree para sa kursong Meteorology, bilang iskolar ng PAGASA. Bata pa lamang daw siya ay interesado na siya sa pag-aaral ng panahon dahil lumaki siya sa lalawigang madalas na daanan ng bagyo (Catanduanes).

"Let’s all give a WARM WELCOME to TV Patrol’s new weatherman, PAGASA meteorologist @arielrojasph!" caption ni Karen sa kaniyang Instagram account.

"ABSCBN News Head @gingreyes personally welcomed Ariel on his first airing day!! Naiyak ang tatay ni Ariel habang pinapanood sya sa TV! So happy for your big break Ariel!!"

Saad naman ni Bernadette Sembrano sa kaniyang Instagram, "A warm welcome to our new weatherman, meteorologist @arielrojasph. Follow his page and see how passionate he is about the weather!"

"Meet our new TV Patrol weatherman! Welcome to the TV Patrol family @arielrojasph," pag-welcome naman ni Gretchen Fullido sa kaniyang IG live.

"Officially welcoming our new weatherman on TV Patrol PAGASA meteorologist @arielrojasph. Ariel shared that his father cried after seeing him do his first live weather forecast for TV Patrol this evening! Aww… You did great, Ariel!" dagdag pa ni Gretchen.

Samantala, abot-langit din ang pasasalamat ni Ariel sa warm welcome ng kaniyang mga makakasama araw-araw sa TV Patrol. Isa umano itong big break na hindi dapat palampasin.

"Thanks for the very warm welcome, @TVPatrol @ABSCBNNews! Still overcome with emotions," ani Ariel sa kaniyang tweet nitong Disyembre 13.

Screengrab mula sa Twitter/Ariel Rojas

Image
Screengrab mula sa Twitter/Ariel Rojas , Ging Reyes, TV Patrol news anchors at staff

Pinasalamatan ni Ariel ang lahat ng mga taong nagpakita ng pagsuporta sa kaniya. Inialay rin niya ang bagong milestone na ito sa buhay niya sa kaniyang namayapang ina.

"Thank you, everyone, for the overwhelming support and well wishes! Sorry, di ko kayo maiisa-isa but know that I am deeply humbled and challenged to do well."

"Ma, I hope you’re smiling up there," aniya.

Screengrab mula sa Twitter/Ariel Rojas

Sa paglisan ni Kuya Kim dahil sa paglipat sa GMA Network at pag-alis ni Kabayan Noli De Castro dahil sa naunsyaming pagtakbo bilang senador, apat kaagad ang nadagdag sa lumalaking pamilya ng TV Patrol. Ito ay sina Boyet Sison, Winnie Cordero, at Marc Logan. Iba-ibang uri ng feature ang hatid nila.

Si Boyet ang naghahatid ng iba't ibang trivia na nakabatay sa science. Si Tita Winnie naman ang mga practical tips na magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay, habang si Marc Logan naman ay mga cute at trending topics sa social media.

Si Gretchen Fullido pa rin ang naghahatid ng mga showbiz news and updates.

Samantala, umaasam pa rin ang mga netizen na maipapasok pa rin ang sports newscaster na si Migs Bustos para naman maghatid ng sports news. Matatandaang si Migs ang inasahan ng mga netizen na papalit sa iniwang puwesto ni Kuya Kim sa TV Patrol.