Inaabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko sa pansamantalang tigil operasyon at pagsasara ng lahat ng istasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS) sa darating na Disyembre 17 (Biyernes) at Disyembre 18 (Sabado).

Ayon sa MMDA ito ay bilang paghahanda sa MMFF Fluvial Parade of Stars na magaganap sa Disyembre 19, 2021.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/13/unang-mmff-fluvial-parade-of-stars-isasagawa-ng-mmda/

Magsisilbing floats ang ferry boats sakay ang mga artista ng official movie entries ng film festival ngayong 2021 habang binabaybay ang Ilog Pasig at madaraanan ang siyudad ng Mandaluyong, Pasig at Makati. 

Maaaring makilahok at makisaya sa Fluvial Parade sa panonood sa gilid ng Pasig River. 

Magsisimula ang parada mula sa Guadalupe Ferry Station at didiretso sa eastbound patungong C-5 Bagong Ilog Bridge. 

Ito ay mag-U-Uturn, titigil sa Pasig City side, Mandaluyong side at diretso naman sa Circuit Makati na doon naman ang endpoint o magtatapos.

Bella Gamotea