Mahigit 2,000 doses ng bakunang AstraZeneca sa Region 9 ang nasayang matapos hindi magamit ng mga health worker bago ang petsa ng expiration nito, ayon sa mga opisyal ng Department of Health (DOH).
Sinabi ni DOH-9 Medical Officer Dr. Mary Germalyn Punzalan na may kabuuang 2,570 doses ng AstraZeneca vaccines ang naihatid sa isang local government unit sa Region 9 noong Oktubre, wala pang isang buwan bago ang expiration date nito noong Nob. 30, ngayong taon.
Tumanggi naman si Punzalan na tukuyin ang local government unit ngunit sinabing nabigo ang LGU na ibigay ang mga dosis ng bakuna sa mga residente ng lokalidad bago pa ang petsa ng pagkasira nito.
Ang mga nasayang na dosis ay inaasahang ibabalik sa DOH-9 regional office bago ihatid sa DOH Central Office sa Maynila.
“This wastage is within the accepted wastage given by the central office and the World Health Organization,” ani Brillantes.
Gayunpaman, idinagdag ni Brillanyes na isinangguni rin ng DOH regional office ang usapin sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Liza Abubakar-Jocson